Tamang pag-aalaga ng Aso; Manual Lorenzo T. Mangmang Ikaw ba ay may alagang aso? Masarap mag-alaga ng aso. Ika nga nila ito’y ‘man’s bestfriend’. Ngunit natural sa aso lalo na ang tuta ang pagngatngat ng kung anu-ano. Kapag tuta pa ito ay asahan na ang pagkasira ng ilang kagamitan dahil sila ay nagngingipin. Maging mahaba ang pasensya dahil makulit talaga ang aso/tuta. Kahit irresistible ay pagalitan pa rin ito para matuto dahil sila naman ay nakakaintindi. Masarap iyung pagkauwi mo galing sa eskwela o trabaho ay may sasalubong sa’yo na cute na cute na aso. Nakakatanggal sila ng pagod. Sabi nga ng iba, mas mahal ka ng aso mo kaysa sa sarili nila. Kapag ikaw ay may problema, pwede mo silang kausapin at lambingin upang maibsan kahit papaano ang iyong problema. Kapag wala kang makausap at walang nagre-reply sa mga walang kwenta mong text o chat, kausapin mo na lang ang iyong alagang aso at tiyak ito’y makikinig sa’yo. Ang iyong tuta ay prone sa sakit lalo na kung wala pa ...
Comments
Post a Comment